Limang Taon
Limang taon na ang nakaraan
mula ng mangyari ang trahedyang yun.
Hinding hindi ko makakalimutan
ang mga eksenang huli nating pinagsamahan.
Biniro pa kita noon,
“tumataba ka yata,” ang sabi ko.
“hiyang eh,” ang dagling sagot mo.
Ngunit ramdam ko
ang lamig ng mga tingin mo.
Ang galit na pilit mong itinatago.
Ang sakit na dulot ng mga huwad na pangako.
Ang pagmamahalang nauwi sa pagkakalayo.
Limang taon.
Nagsisi ako.
Sinayang ko ang isang pagkakataon
na sana’y naging katuparan ng mga pangarap ko.
Binalewala ko
ang pagmamahal na inalay mo.
Naghangad ako
ng higit pa sa ibinigay mo –
ang puso mo,
para sa akin.
Samantalang ako,
hindi man lamang nakuntento.
Ang salawahan kong puso.
Nadama ko ang parusang iginawad mo.
Nagtiis ako
Kahit lumipas ang limang taon.
Ngayon masaya ka na.
Natupad ang isang pangarap na hindi ko nagawa.
Masaya na rin ako para sa yo.
Nakamit ko ang kalayaan sa araw ng kasal mo.
Hindi ko maikakailang nainggit ako.
Naghangad na sana’y matagpuan ko rin
Ang ligayang hinahanap ko
Sa kandungan ng mahal ko.
Kahit lumipas ang ilang taon.
-HH